Mula sa aking pagkabata, namulat ako sa buhay mahirap. Lahat ng pagsubok sa buhay ay aking dinaranas hanggang sa akoymagkaroon ng isip sa buhay na isasakripisyo ko ang aking buhay at aking sariling kagustohan matupad ko lng ang aking pangarap sa buhay.
Kasama sa mga pangarap ko ay ang aking pamilya, na naghubog sa aking pagkatao mula ng bata pa ako. Sa aking pagaaral naging inspirasyon ko ang aking pamilya , lalong-lalo na ang aking mga magulang. Naging mabigat na inspirasyon ko ang akin ama na nagtatrabaho para sa amin. Kahit hindi nakatapos ng elementarya ang aking ama, nagimg matiyaga siya sa kanyang trabaho hanggang siya ay makapatong sa mataas na pwesto sa kompanyang kanyang pinagtatrabahoan. hindi naging hadlang ang may mababang pinag aralan sa pag abot ng mithiin sa buhay.
Sa pag aaral ko ngayon hindi lng kagustohan ko ang aking susundin, mauna muna ang kagustohan ng aking pamilya. Gusto ko silang mabigyan ng magandang buhay at maisauli ko ang paghihirap na kanilang ginawa para sa amin.
Lahat ng pagsasakripisyo ay may katapat na paraiso, na naging mithiin ko sa buhay. Hindi masasayang ang pagsasakripisyo na ating magagawa kung tayo ay makatapos ng pagaaral at makapag trabaho. Kahit na makikita lang natin sa mukha ng ating mga magulang ang kasiyahan na ating ibinigay.
Abotin mo ang iyong pangarap sa buhay iyan ay biyaya ng poong maykapal na maituturing natin na isang mahalagang regalo sa atin.ang paraiso ay maaabot natin kung tayo ay magsikap, maghirap sa pag abot ng ating mga pangarap at higit sa lahat may tiwala sa sarili at sa poong maykapal.
Paraiso ang simbolo ng paghihirap mo. Iyan ay kabayaran sa lahat ng pghihirap at matiyagang pagabot mo sa iyong pangarap. At ang paraiso din ang simbolo ng iyong pagsasakripisyo na ginawa mo sa iyong buhay hanggang sa matatanggap mo ang paraisong iyong pinapangarap.
, , , , WHEN YOU SACRIFICE TODAY PARADISE WILL FOLLOW, , , , ,